Ang naalala ko lang nung elementary ako, 5pesos ang baon ko. saka me tumbler akong me lamang juice o tubig na parating maraming nakikiinom na kaklase. Yung bag ko nun, parating me lalagyan ng tumbler sa tabi o kaya me superhero na nakadrawing! (peyborit na peyborit ko nun dragonball syempre!)
Dahil sa public school ako nagelementary, usong uso yung teacher mo ang nagbebenta ng mga snacks nyo pag recess, me iikot na kaklase mong babae, at isa isang magbebenta ng mga chichirya, kornik, kendi, skyflakes, zesto at higit sa lahat homemade snack na gawa ni maam na hindi ko alam kung tinitikman ba nya bago ibenta o talagang feeling nya lang scientist sya at ang mga pagkaing binebenta nya ang ginagawa nyang eksperimento (Malas mo lang kung nasa row4 ka at ang matitirang paninda sayu e yung specialty ni maam na kadalasang me extra points ka daw kung bibili ka) na kahit ata libre nyang ipamigay sa mga bata wala pa ding kakagat.
Bulong bulungan kase nun na gawa daw sa pinaghalong chalkdust at tubig ang pulburon at yung sandwich naman ay sa recycled paper at ang palaman daw ay glue. Na kung matitikman mo nga ay malamang maniwala ka sa mga bali-balita.
Palagi ako ang naglilista ng mga noisy sa klase. kaya naman mababait sa akin ang mga classmates ko dahil kung hindi, humanda silang mapingot ng teacher namin pagbalik galing sa pakikipagchismisan sa kabilang classroom tungkol sa paborito nilang palabas sa tv at sa lablayp ni jolina magdangal.
Araw araw kameng me test sa spelling, ang parusa pag bagsak. isusulat mo sa 4 na pirasong papel ang pangalan ng teacher mo na kapangalan ng mga bida sa telenobela na dalawa palagi ang pangalan at apelyido.
At sa umaga naman, kailangan, sabay sabay kayong tatayo para batiin ang teacher nyo ng GOOOOOOOOODD MOOOOOOOOOOOOOOOOORNIIIIGGGGGG MAAAAAAMMM!!!
