Monday, September 8, 2008

Single and Double.

Waw! seryosong post daw to! haha
SINGLENESS. Waw madami akong alam tungkol jan! haha.
What is the deal with being single? Sa totoo lang marami naman kasi factors kung bakit single ang tao.


I believe it's a choice. And i don't see any wrong about being called "or labelled" as an old maid o matandang binata. It's just a name anyway. May mga factors kung bakit nananatiling single ang isang tao. Pero syempre meron pa ring underlying factors or beyond the visible ones.

Family Responsibilites - lalo na pag panganay, may kapatid na papag-aralin, may sakiting ina na hindi magawang iwanan, etc. Isa nga itong kabayanihan eh. Yung isasantabi mo muna ang personal mong buhay para sa pamilya mong alam mong dapat mong tulungan.

Trauma - Sila yung may not so nice experience sa kanilang naunang relasyon. Mga naloko, pinerahan, ginamit, iniwan ng walng dahilan, nabasted, pinagpalit sa mas gwapong lalake, at mga campus idol! Sino ba naman ang hindi matatakot na magkasyota uli kung naranasan mo nang halos gusto mong tumalon sa bangin diba? Lalo na pag first mo pa. Mas matindi ang tama sayo nun.

Profile - Dahil mga career oriented na ngayon ang mga tao, kasabay nito ay ang pagtaas ng standard nila. Eh kung isa kang junior executive ng higanteng kumpanya, sa palagay mo ba mamatamisin mong mgkaroon ng boyfriend na hindi kayang bumili man lang ng isang bouquet ng bulaklak o mailibre ka ng kape sa Starbucks? Oo, syempre may exemption tayo. Let say hindi ka naman ganoon kataas ang standards. Na okay lang kahit janitor ng isang motel ang magiging labidabs mo. Kung walang problema sayo, sa mga lalaki naman ang magkakaroon. Isipin mo, kung ikaw ang lalaki na isa lang janitor, kaya mo bang manligaw sa babaeng de kotse? Na hindi ka man lang nakatapos ng high school, maglalakas loob ka bang pumorma sa isang PhD graduate? Sige nga?

Insecurity - Ito yung mga taong masyadong insecure sa kanilang mga sarili at walang self confidence, at walang kakayahang manligaw sa sobrang mahiyain at walang kapal ng mukha, lalo na kung ang liligawan nila at trip nilang babae ay masyadong intimidating ang byuti at masyadong mataas para sa kanila.

Parents - Ito ang isa sa mahirap na dahilan kung bakit ka single-dahil ayaw ng parents mo. At dahil parents mo sila, wala kang magagawa kundi sundin sila. Pero napakaraming tao na pinagbawalan ng makipagsyota pero sandamakmak pa din ang boypren. Sabi nga nila- "masarap gawin ang bawal"

Wala Lang - Ang masasabi ko lang, ito sa lahat ang pinakareasonable.

Tinanong ko dati si ate, "o single ka na pala?" sabi nya--"By persistently remaining single i convert myself into a permanent public temptation!" naks naman! panalo!!

Para sakin okay lang naman maging single e, kung minsan nga mas masaya pa e.
Ang pagkakaroon ng relationship ng di ka naman enjoy ay pointless. Kung ang reason mo lang ay:
- May ipang-display sa mga kabarkada at kaibigan.
- Kilig moments
- Malalagay mong “in a relationship” ang status mo sa friendster…
- May ka-date sa valentines
- Libreng load, libreng chibog, libreng sine,libreng pamasahe.. Libre lahat!
- May ka-physical/intimate relationship
- Active na sex life
- Me taga hatid sayo
- Para hindi ka maasar ng mga kabarkada mo na walang nanliligaw sayo.

Ayun back sa issue.

Being single is being spontaneous! hehe pwede mong gawin kahit anong gusto mong gawin na hindi mo magagawa kung me karelasyon ka.
Pag single ka, be free, do what you want to do. Kasi by the time na may kalaguyo ka na… este gf/bf/asawa eh di mo na magagawa yan.
Diba maganda yung keep it cool, walang pressure?

Never assume. Never expect.
Be around friends na maasahan mo pag-kailangan mo. Be there if your friend needs you. Be a helping hand, be a listener, magpautang ka pag wala na silang pera. haha joke lang. pero wag mo asahang pag ginagawa ka nyang hingahan ng sama ng loob e me gusto na sya sayo. Me mga ganun talagang tao at minsan sa sobrang sweet nila minsan iba ang iniisip mo. Pwede mo syang bigyan ng advice bilang kaibigan, Pero minsan don’t go drifting into the phase of being the lover.
Sometimes friendship gets redirected to another route. So as much as possible make it a little more discreet. Dont assume that somebody likes you by only seeing and feeling their sweetness, sometimes we shall believe in the fact that some people are just sweet. Meron kaseng ibang mga babae na sobrang sweet talaga sa mga kaibigan nilang lalake, na minsan akala nila okay lang yun, pero di nila alam na me nahuhulog na pala sa kanila at clueless sila tungkol dun.
Once you invest a deeper feeling for a friend, expect that your friendship is in greater risk, kaya ingat-ingat lang:)

In-short “slowly but surely” lets not be hasty on deciding. Be open but still be closed, go be there for the person, but as a friend. not because may double meaning at asang asa ka na magiging kayo.

Have the courage to ask for peeps your close too. Ask for their help (better tanungin ninyo ang closest karibal nyo at mga ex ng boypren at gerlpren nyo, para mas cool, siguradong di ka nila iisahan… ).

Wag kang mamroblema kung single ka!
Being single means you have the time to grow and be the person you want to be. It gives you space to grow. Sometimes, it is harder to grow when you are too close to someone, lalo na kung sobrang possesive. Sabi nga ng teacher ko sa english nung 4th year highschool ako--"Trees are planted far apart so they can spread their branches and become strong as they mature".
It means learning to live by yourself.

Ironically, yet quite happily, being single is feeling good about being in control of your life, walang pressure at walang sakit ng ulo, worry-free pa!
Mas exciting pa dahil maiisip mo, there could be someone wonderful around the corner na naghihintay lang pala sayo. lol

Take chances, take a lot of them. Because honestly, no matter where you end up and with whom, it always end up just the way it should be.

Parang ganito lang yan e--Ang bawat kaldero ay may kasukat na takip" ganyan! Pero naisip ko, bawat kaldero e maraming sandok na nakikihalo. Masarap maging single at masarap din ng may karelasyon. Depende na lang sa sarili mo kung paano ito pasasarapin.

Singleness brings Solitude but not Loneliness:)

Sunday, September 7, 2008

Usapang Mura

Napakarami kong kilala na kung magpaulan ng mura eh isang milyon Kailangan mong magkapote at magpayong, tipong Tangina here! Tangina mo there! Tangina mo everywhere! Nakakadugo ng tenga..Kahit nga isang mura lang pero malutong pa sa bagong pritong kropek..
Isa pa itong dating kapitbahay ko, kung magmura, wala ng bukas.. Magkokumbulsiyon ang makakarinig. Yun bang magkkwento lang sya e tinatadtad pa ng mura, nagmumura sya kahit masaya ang kinekwento nya at eto pa, kahit bumabahing sya e may mura pa ding kasama, ang “hachinnggg” naging “paksyetttt!!”

Kahit ako inaamin ko nagmumura din ako, madalas, araw-araw, at kahit masaya ako napapamura din ako, at hindi ko alam kung bakit. Nagmumura ako, pero ang mga mabibigat kong mura ay inilalaan ko sa sitwasyon at di sa tao."Tanginang, kape to ang ineeet.""Bwaka nanginang exam to ang hirap."

Nagsearch ako sa google para hanapin kung san nagmula ang pagmumura..eh la akong nahanap..mga pornsites lang at mga kung ano anong pop-ups ang kinahantungan ko.
May ibang tao kasi na hindi naman kailangang magmura eh kailangan talagang idikit sa daily living nila ang mga salitang ito...

Paunawa: Ang mga susunod na pangungusap ay hindi na pambata.
Tipong: Alam mo ba, yung katabi kongmanong sa tang-inang bus kanina, amoy putok! Eh itinaas pa niya yung pukinginang siko niya...eh kaputa-putahan, lumakas pa hangin..langhap na langhap ko..bwaka ng inang yan.

Meron din yung nagkuwento sa aking na-isnatchan ng celphone...
"walanghiyang tao yun kundi ba naman mal-edukado, filibustero, hayop, demonyo, inutil, primitibo, tarantado, gago, tonto eh di naman niya pinaghirapan eh kukunin pa niya ng sapilitan... letse talaga!!!"

Kung napansin natin whether wala yung profanity, it didn't erase the meaning of the sentence..di kailangan sa buhay ang pagmumura, pero hindi natin maiwasan dahil nakasanayan na.
Sabi ng iba...okay lang magmura basta matanda ka na at alam mo na ang ibig sabihin ng mga sinasabi mo....naman! Mapabata ka pa o gurang ka na..di magandang gawain ang pagmumura...
Sa panahon ngayon, sobrang dami ng kabataan ang makariringgan mo ng walang pasintabing pagmumura, kahit dinig pa ng matatanda, kiber nila..Grabe na rin ang evolution ng mga mura. Merong paksyet (coined from fuck at shit), Bwakanang-ina na hindi ko alam kung saang variation nagmula, at hindi kabigla-biglang malaman na some of our profanities are not pure tagalog at all but influenced by more than 300 yrs of spanish occupation.

Ang putang-ina daw ang pinaka-worst of Filipino vulgarities. Nakaka-opensang marinig kahit walang intensiyong mag-insult directly...Para sa iba balewala lang. Pero syempre, depende sa pagkakasabi.

Ito pa ang ibang nalaman kong trivia tungkol sa mura.
Punyeta - Ang puñeta ay mexican for 'to make a fist', a reference to the act of masturbation. Punyeta really means,”to annoy,” “to pester,” or “to masturbate.
Leche-Ang 'leche' in spanish ay milk, but in mexican it could refer to a lot worse, again a reference to the above. What is also interesting is the way spanish swear words become common words in tagalog like puto (rice cake) - is spanish for homosexual, gay prostitute.
Pindejo (asshole) - literally the hair down there.
Coño (affluent class) – Tawag ng mga pinoy sa mga maarteng sosyal, but actually it's just spanish for cunt.

Yan ang ilang mga nareserts kong mga mura, at ang iba wala na akong pakealam, dahil wala na din akong mahanap.
Sa restaurant:
Waiter: ano po order nila?
Amo: whole roasted chicken. ikaw inday?
Inday: I'd like to have a dish of sauted pork n' chicken boiled in
thick essence of soy sauce and vegies like carots, cauliflower and
baguio beans sprinkled generously w/ fine spices & spring onion and
helpings of root crop and rice, please.
Amo: bigyan mo daw ng chopsuey itong putanginang 'to!

Teacher: Pedro, meron akong 1 kilo baboy, hinati ko sa dalawa?
Pedro: 1/2 kilo po ma'am
Teacher: ung 1/2, hinati ko pa ulit?
Pedro: 1/4 po, ma'am
Teacher: e hinati ko pa?
Pedro: 1/8 po
Teacher: hinati ko pa? at hinati ko pa ulit ng dalawang beses?
Pedro: eh, tangina mo pala mo mam, eh... giniling na yun!!

Bulaklak ng dila, sabi ng ilan.
Meron akong kilalang parang bawat pangungusap eh nag uumpisa sa mura
at nagtatapos sa mura.
Hindi naman daw nila inensiyon yung talagang meaning ng mura kundi,
naging self expression na.
Bad yan, sabi natin sa mga bata, pero natatawa naman tayo kapag ang
isang batang maliit eh marunong magmura o mag dirty finger sign.
May mabuti bang dulot ang pagmumura? Syempre wala, pero hindi natin maalis sa ating pang araw araw na pamumuhay.
At kelan mo nga ba masasabing "minura ka"?

Nag-evolve na rin ang gamit ng mura sa panahon ngayon. Talamak din ang pagmumura sa musika. Kaya nga may "Parental Advisory: ExplicitLyrics". At sa explicit na 'yun nakilala ang E-heads, ngunit mild pa kung tutuusin. Expression na rin siguro. Pero matutukoy mo naman kung offensive na ang mura o expression lang.

Di ako writer pero aminin natin na mas tagos sa damdamin kapag ginamitan mo ng ilang mura ang mga pangungusap mo. Makikita mo ito sa gawa ni Bob Ong na Macarthur. Isipin mo kung walang mura ang librong ito. Baka walang dating. Inilalabas din kasi ng mura ang malalim na emosyon ng tao. Korek? korek. Palagay ko kaya lang naman nagagamit yun eh para mabigyan ng strong expression ang mga sinasabi. Sabi nga ni Patrick kay Spongebob "Its a sentence enhancer. You just springkle it all over the sentence to give it a little spice!"

Kung open-minded ang mga tao sa paligid, sa tingin ko ok lang ang mag-mura. Pero mas kaaya-aya kung alisin na lang sa sistema ang pagmumura. Tama lang ang tradisyon natin na pagbabawal ng mga magulang at mga guro sa eskwelahan ang pagmumura. Di rin naman kasi nakakabawas ng badtrip kung i-express mo ito pag problemado ka, pero minsan masarap talaga magmura lalo na kung feel na feel mo magmura. Tangina diba?

Friday, September 5, 2008

Telling Lies

Sa panahon natin ngayon, ngayong uso na ang pouted lips, habayanas, istarbaks, party, slimming tea, vicky belo, cherifer, at kung anu-ano pang pang-transform, meron pa kayang taong hindi marunong magsinungaling? Wala na ata, at kung meron man, siguradong malapit na syang kunin ni Lord. Naging kaugalian na ng tao yan ang pagsisinungaling, lalo pa sa mga pilipino na likas ang pagiging mayabang at sinungaling, kahit saan ka ata pumunta hindi mawawalan ng mga sinungaling, kahit sa palengke, sasabihin ng mga tindera na sariwa ang isda nila kahit noong nakaraang bagyo pa ito nahuling lumulutang sa dagat. At sa mga paradahan ng jeep, sasabihin nilang tatakbo na ang jeep kahit isa pa lang ang pasahero, at kahit alam mong mapuno na ito, at kalahati na lang ng pwet mo ang nakasabit sa upuan e hindi pa din to tatakbo dahil kulang at kulang pa din daw ng isa. Pag na-late ka sa date mo, magdadahilan ka ng kung ano ano, pag nalate ka sa klase at pag absent ka. Magsisinungaling at magsisinungaling ka para maligtas ka sa posibleng mangyari sayo kung magsasabi ka ng totoo. Literrally, Lying is communication with the intention of creating a false belief. A sarcastic statement which is not intended or expected to create a false belief is not a lie, even if it creates a false belief. If a statement is true, but the communicator believes it is false, it still counts as a lie. Hehe..yan! galing noh? Alam nyo ba na kahit ang mga magulang natin ay nagsisinungaling din paminsan minsan, katulad ng pag sinabihan ka ng nanay mo na ikaw ang pinakamaganda at pinakagwapo sa lahat kahit na kamukha mo si bakekang at ikaw palagi ang ipinangaasar ng mga kaklase mo pag me inaaway sila, usong uso kase noon sa mga bata ang ipina-partner ka sa pinakapanget sa klase nyo. katulad ng uyyy syota mo si..(tapos ikaw yun), pero sasabihin ng nanay mo na wag maniniwala sa kanilang panget ka at paniniwalain kang kamukha mo si bea alonzo at magiging artista ka pagdating ng mga aliens, at pag nalipat na sa pwet ang mukha ng mga tao.

Hindi ako nakakatulog ng normal, umaga ako nakakatulog at gising sa gabi, Sa gabi, hindi ako makatulog. Nagpapaikot ikot sa kama. Kumakain ng cookies. Yosi. Dota. Nood koreanobela. Ayaw ng tulog sa mga katulad kong kyut, hindi sapat ang mukhang ala Jomari (chan) para pagbigyan ako ng Tulog. Ayaw nya sakin at hindi ko alam kung bakit. Gusto kong maexperience ulit makatulog ng maaga at magising ng maaga at magalmusal ng pandesal with butter kasama ng mainit na kape. Gusto ko ulet maexperience ang sarap ng pagtulog habang tumutulo ang laway at nakasmile.
Pag minsan hindi talaga ako makatulog nanonood na lang ako ng DVD mula sa pirates of Quiapo, buong magdamag nagbabakasaling dalawin ako ng antok at lumabas ang mga pinapantasya kong mga koreana sa pelikula. Pinanood ko ang lahat ng mga peyborit kong palabas ng paulit ulit, pinakapeyborit ko yung "My girl" korean version, hindi yung kina kim at gerard ah! Pati na yung mga english na palabas na hinihiling kong magkasubtitle ng tagalog para hindi dumudugo ang ilong ko pag nagiinglishan sila ng todo. Ugali ko ng maglista ng mga kowtable sa mga pinapanood kong pelikula. Pati sa mga porn flicks eh isinasaulo ko ang mga sinasabi ng mga porn star pero kadalasan puro Ooooh at Aaaah lang ang sinasabi nila at... Okay! babawiin ko na, magsisinungaling muna ako at sasabihin kong hindi pa ako nakakapanood ng porn sa buong buhay ko! zzz.. Sabi sakin ng kaibigan kong broken hearted, ang salitang "i lab u" daw ang pinaka sinungaling na salita para sa kanya, kase pag katapos syang basteden ng 8 beses ng nililigawan nya sinagot din sya at bnreak din pagkatapos sabihan ng i lab u ng nililigawan nya, ang labo noh? parang adik lang. ang mga pinoy kase pag sinabihan mo ng i lab u, lalo na pag magsyota, automatic i lab u too din ang sagot, parang habit na lang, lalo na sa teks. lahat ng teks me kasunod na i lab u at syempre isasagot mo i lab u too, kahit hindi mo naman feel na sabihin.Sabi nga sa isang palabas na hindi ko masyadong naintindihan dahil nga english, “Power don’t come from a badge or a gun. Power comes from lying. Lying big, and gettin’ the whole damn world to play along with you. Once you got everybody agreeing with what they know in their hearts ain’t true, you’ve got e’m by the balls.” yan ang isang linya sa pelikulang Sin City na tumatak sa isip ko kahit hindi ko naman talaga ito napanood, nagkataon lang na yun ang script at nagkataong kumapit sa utak ko. Halos kalebel lang ito ng “She loved me at my worst. You had me at my best and you chose to break my heart” ni John Lloyd sa One More Chance.
Power comes from Lying kaya hindi na ako magtataka kung bakit lahat ng nasa kapangyarihan eh mga sinungaling. Alin nga ba sa mga pinangako nila ang natupad na? at naniniwala ba kayong by 2020 eh Developed Country na ang Pinas? boo! umasa ka sa wala! hahaha! hanggat hindi naalis sa pwesto ang mga sinungaling at corrupt na opisyal ng bansa at hindi ako nagiging presidente ng pilipinas hindi matutupad yan. May ilang taon pa bago mag 2020 pero napakaimposibleng maalis sa sistemang pulitikal ng Pinas ang mga ganitong klaseng Pulitiko. Hello nga pala sa mga kababayan ko dyan sa batangas! wag nyo kong kalilimutan pag kakandidato ng akong presidente ng pilipinas! Naalala ko pa ang sinabi ko noon sa kaibigan kong doctor, na pag ako naging presidente, ssweldohan ko lahat ng tambay at ipapa-aircon ko ang bawat kalsada ng metro manila. Tumawa sya at inilibre nya ako ng tanghalian, at sinabing matatauhan ka din tsong pag binusog na kita at inalok nya na din ako ng libreng check up sa utak.
Sa pagkakatanda ko limang taon ako nung una akong nagsinungaling. Nabasag ko yung banga sa bahay na mas mahal pa sa buhay ko. Dala pa ng tatay ko yun galing saudi at me swerte daw yun. Dahil sa takot sinabi kong Hindi ako nakabasag noon. Pero tulad ng sabi ni Bob Ong sa libro nyang MacArthur “Pag pinaniniwalaan namin kayong naglaro ng tubig kahit na kahit basang-basa ang mga damit ninyo, Kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko”. May mga hindi maipaliwanag sa mga magulang kung bakit nalalaman nilang hindi nagsasabi ng totoo ang kanilang mga anak. Siguro dahil kilala na nila tayo dahil sa sperm at egg cells nila tayo nabuo. Ang ending ko, naparusahan ako hindi dahil nabasag ko yung jar kundi dahil sa pagsisinungaling ko. Pinalo ako ng todo, pero pagkatapos nun, ibinili naman ako ni nanay ng isang pakete ng kornik sabay kiss sa pisngi.
Hindi ako ganun kaeksperto sa pagsisinungaling. Minsan madali akong mabuko. Madali lang malaman kung nagsisinungaling ako. Kaya malamang hindi ako epektibong Pulitiko balang araw, pero magpapraktis ako para matupad ang pangarap sakin ng mga pinoy na edad 3 pababa at ng mga hindi pa ipinapanganak na maging future mr.president.

Kaya kung tatanungin mo ako kung isa akong sinungaling, nagbobolahan na lang tayo kung sasabihin kong hindi, e ikaw?

Thursday, September 4, 2008

Istrit Puds

Itong isshare ko sa inyo ay siguradong hindi nyo kapupulutan ng aral kaya magbasa mabuti.
Pag kumakain ako ng fishball, (kahit madami kang binili kay manong magpi-pisbol eh talagang hindi mo lalagyan ng “s” ang salitang yon; lagi siyang nasa singular form – pishbol hindi pishbolsssss-PISHBOL lang talaga…”limang pishbol nga!”), dahil hindi ko to masyadong peyborit, hinihintay ko muna na maging malutong muna ang pishbol bago ko kainin. Ayoko ng hindi malutong e. Well, kahit naman sa lahat siguro ng prito e masarap yung malutong lagi. At shempre, ang tatlong sawsawan na laging present – matamis, maanghang (with diced onions, sili na green at red, at red or white vinegar) at shempre, ang tamis-anghang (matamis na may sili). Ganito ang teknik ko: Pag naprito na ng maganda yung pishbol eh magiging concave siya at mistulang maliit na plato. Pag nagiging concave siya eh gagamitin ko ang pagka-concave nya para maging pansalok ng sawsawan. Masarap gamitin sa maanghang na sawsawan dahil aside sa suka, makakasalok ka ng diced sibuyas at sili na talaga namang susulit sa bili mo ng pishbol. Nakasawsaw ka na, nakasalok ka pa ng sibuyas – lamang ka kapatid! Sabay sasabayan mo ng malamig na sago..Nakow! Sarap nun! Siyempre ang lahat ng ito, eh walang kamuwang muwang ang magulang ko na ginagawa ko itong mga ito. Para sa mga magulang ko, walang pinagkaiba ang yosi at alak sa “streetfoods” (Paliwanag lang, dati yun nung bata ako, alagang alaga pa ko ng nanay ko, ayaw nyang kumakain ako ng mga istritpuds kase daw baka daw marumi? Sus! lahat naman yun ididiposito ko din sa trono pagkatapos at mababaon sa kailaliman ng inidoro . Dati tinawanan ako ng katabi ko nung kinwento ko sa kanya yun. Sabi nya, “Tangina hanggang ngayon pinagbabawalan ka pang magstreetfood ng magulang mo? Puta gurang ka na a!” Sabi ko sa kanya, "pake mo ba?" at minura ko sya sa pinakapraktis praktis kong mura nung mga panahong yun.. "fak yew!!”) Pero ngayong wala na kameng pera, nakikiabang na din sila sa mga manong pishbol at nakikituhog na din sina nanay at ate kasama ko, o diba mas kool!?

Isaw – walastik ka! Walang kupas ang sarap mo! Mapa baboy man o manok, eto ang klasik streetfood na nagpapabaliw sakin. Sawsaw mo pa sa sukang pinagsawsawan na ng lahat ng construction worker sa tabing building, ayos na. Ang malupit pa dun sa pinagkainan kong isaw dati (Morayta’s Isawan), eh si Mang Castor, puta tutulo pa yung pawis nya sa isawan nya tapos tutulo sa mga isaw nya at magsi-sizzle yung mga niluluto nya. Eh puta walang paki lahat ng suki nila e..pinatos pa din e. E pano, masarap naman talaga. Hindi ko alam kung totoo sa lahat to o kung nagkakataon lang sa mga kinakainan ko, pero lahat ng mga nagluluto ng isaw na kinainan ko e nakabukas ang bibig at semi hiwa-hiwalay ang ngipin, parang yung bakulaw na isda sa finding nemo.


Dugo (Betamax).
Para sakin, ito ang piiiiinakamalinamnam sa lahat. puwedeng i-ulam sa kanin. puwedeng isawsaw sa catsup (taenang spelling ‘yan). nung nadaanan ko ‘yung pinapaypayang istrit food ni amparo, dugo kaagad ‘yung tinesting ko. tatlong klase ng suka rin ang meron sila--- maanghang, mas maanghang, at matamis. nung araw e piso lang ang isang stick (apat na piraso). tapos patatagalin ko talaga ang pagkain nun para mas enjoy. 1/3 lang bawat piraso ang babawasan ko sa bawat kagat, tapos sawsaw sa suka every now and then. parang paligsahan ‘yun eh. kung sino ang pinakamatagal umubos ng kinakain niya siya ang cool. ang teknik para mas humalo ‘yung suka sa dugo: pagsawsaw mo ng isang stik, iikot-ikot mo nang mabilis para gumalaw-galaw ‘yung particles ng suka at makapenetrate sa dugo. tapos kainin mo nang patingala para hindi sayang ‘yung suka. tapos ‘yung pagnguya mo e parang ‘yung sa bubblegum para dumikit-dikit sa ngipin mo ‘yung dugo (sarap kaskasin). hindi ko na talaga pinapansin ‘yung isaw kahit ‘yun pa ang sikat para sa mga kalaro ko. saka mas mahal ‘yun eh. saka ‘yung adidas na ‘yan, hello?! may mas sasarap pa ba sa dugo? tanginang ‘yan.

Pisbol.
Hindi ko talaga peyborit ‘to kahit gano pa ‘to kamura pero dahil sa wala akong pera non pineyborit ko na din, lalo na nung nagtitipid ako para me pambili ako ng mga teks (mga maliliit na karton na me drawing ng dragonball at ghostfighter) unang tikim ko pa lang nun lasang mumurahin talaga, lalo na nung ang pishbol pa sa tapat ng iskul namin e yung home-made pishbol na gawa ni manong, na gawa sa harina at konteng pampalasa para magmistulang pishbol nga. pero nagtataka ako, halos lahat ng tao kasi e ‘yan ang binibili. pero bakit ganun? tusok nalang sila nang tusok tapos hindi naman nagpapaalam kay manong? hindi ba nagagalit si manong? mejo minsan lang dumaan pishbol samin eh kaya pag dumaan sa bahay yun buong street namin bibili. ang saya kasi talagang lalabas lahat. yung mga nanay, tatay at mga anak nasa labas at makikitusok sa pishbol. pag bibili ako nun palaging dalawang piso lang kaya ko. pwede na ko sa 4 n piraso, wala nang pera eh. grade 3 ata ako nun, bsta bata pa ko. tapos nakikita ko yung iba kong kalaro limang piso talga ung binibili tapos si manong p tlaga magtutusok nun. parang pag limang piso kasi binili mo tlagang aasikasuhin ka ni manong. tumitingin n lng ako sa binili nila, halos mapuno ung stick sa dami ng pishbol pag limang piso tapos parang ang linis p tignan. ewan ko bsta ang ganda tignan ng limang pisong pishbol para sa sakin. pero parang hindi ata ako nabilan ng limang piso ng nanay ko. at shempre gusto ko rin ung malutong na pagkaluto. gusto ko din ako tutusok ng akin para binata na ang dating ko at kaya kong tumusok mag-isa.

Scrambol – hmmmm…raspa..este..rap-sa! Yung nagtitinda ng sago samin, asawa naman niya ang nagtitinda ng skrambol. Sarap, sarap – powdered milk, brown cow (Oh, the memories!!), pulang ice (red eyes) o yelong red..waw!!
siguro kung may botohan ng ‘most resourceful’ vendor e ‘yung mga nagtitinda ng iskrambol ang mananalo. timbang pampaligo ba naman ang gawin mong lalagyan e. tapos egg beater na isinabit ang gagawin mong panghalo. bakit nga ba pink ang kulay ng iskrambol? san ba kasi galing ‘yun? tuwing recess talaga eh lumalabas ako ng school premises para lang makabile ng iskrambol, mabilis kasing maubos eh. tapos parating kulay pink ‘yung timbang ginagamit ni manong (coincidence?).nagtataka talga ako dati nung bata ako bat ganun kasarap gatas ni manong. sinusubukan kong gayahin sa bahay un eh pero mas masarap talga ung kay manong. shempre nabibili ko lng din nun dalawang piso ndi limang piso. yung maliit na baso lng na may kulay(green o kaya red). tapos iniisip ko rin dati bat scramble tawag dun, eh dati lam ko lng na scramble eh itlog. may kanya-kanyang style p ung mga nagtitinda ng iskrambol pagdating sa paglalagay ng gatas. ang klasik na style eh ung lagay ng iskrambol tapos lagay sa ibabaw ng gatas at brangkaw. ung iba maglalagay muna sila ng kalahating iskrambol sa baso tapos lagay ng gatas tapos patong uli ng iskrambol tapos brangkaw. ang galing db nasa gitna ung gatas. bat kaya nila naisip ung ganun? ewan ko bsta parehas masarap. ang pinakamasarap na parte eh ung unang subo. ndi ka muna gagamit ng kutsara kakainin mo muna ung ibabaw na may gatas at brangkaw. hay grabe ang sarap nun!

Mangga.
Ito na siguro ‘yung pinaka-pinapayagan akong kainin ng mga magulang ko. Nasa labas din ng school premises si manong na nagtitinda nito. Pinakamarami kong nakain nito nung grade 5 ako. tuwing lunch, lumalabas talaga ako ng iskul para lang makabile kay manong. may tig 2-piso, tig-5, tig-8, at tig-10. syempre binibili ko na ‘yung pinakamahal. Sabay matamis na bagoong (masarap talaga ang pagkakatimpla niya) na i-f-fill ‘yung concave part ng mangga. Tapos bubudburan ng konting asin (rocksalt). syet! tanginang ‘yan oh! halos lampas 10 taon na ang lumipas at nagawi nanaman ako sa lugar na binibilhan ko dati and guess what, nandun pa rin si manong! nakaputing sando at nagbabalat ng mga mangga niya! siya na yata ang pinakamalinis na vendor na nakita ko. parating parang bagong ligo. Kumpare sya ng tatay ko kaya pag bumibili ako sa kanya laging me ekstrang asin o bagoong, kaya naman suking suki nya ako, lagi din akong me libreng kwentong barbero sa kanya pag bumibili ako, at araw araw nya din kinakamusta si tatay na para bang me nakaraan silang dalawa at hindi pa din sya makaget ober. sasabihin ko
sana, ‘manong diba 1998 pa kayo nagtitinda ng mangga dito? kumusta na ho?’kaso baka kwentuhan na naman nya ko tungkol sa mga manananggal at mga dwende sa dating school ko kaya hindi ko nalang kinumusta, pero okay na din kase me mga bagong suki na sya at mga batang binobola na kinukwentuhan.


Sorbetes(Dirty Icecream)
para maiba, sorbetes naman. panalo din yan. may basehan ako jan sa mga sorbetes na yan eh. pag nakita kong maraming tore sa takip ng sorbetes nya, panalo yun kasi ibig sabihin nun maraming flavor. parang katumbas ng isang tore, isang flavor ng ice cream nya. kadalasan tatlong tore eh. pag dalawa lng nakikita kong tore mejo hindi ako ginaganahan bumili. parang "ay, mahina si manong konti flavor mejo lugi ako". pero pag apat ang tore nya, ay sus bibili tlaga ko sa kanya at feeling ko lugi pa si manong sa bayad ko dahil marami syang flavor. pero nung tumanda ako nalaman ko din na kadalasan kahit tatlong tore dalawa lng naman flavor sa loob nun. ambobo ko tlaga. dun ko din natuklasan ang matamis na apa. ang sarap nun eh, kahit papakin ko un panalo p rin eh khit walang ice cream. kaya mas gusto ko ung dalawang pisong ice cream eh kasi sureball matamis na apa un. pag limang piso normal na apa o kaya nasa cup. lugi eh mkakain mo b ung cup tapos ang mahal. at eto pla haha! wag mo raw kakainin ung dulo ng apa itapon mo daw yun kasi ginagamit daw na pangulangot ng mamang sorbetero yun. At eto pa! nung hayskul ako, me dalawang sorbetero sa iskul namin, si mang bonbon at si mang efren, nagsisiraan sila pareho sa mga icecream nila, sabi ni mang bonbon: may buhok daw sa kilikili ang mga icecream ni mang efren dahil lagi itong nakasando lang pag nagtitinda, at lumalabas ang mga buhok nya sa kili-kili pag nagiiskoop sya ng icecream, sabi naman ni mang efren: me kulangot daw ang icecream ni mang bonbon dahil mabuhok ang ilong nito at laging sinisipon", ayun parehas nilangaw ang mga sorbetes nilang paninda. Haha ang barbero na ang baboy pa ampucha!(parang yung kwento na namatay si ultimate warrior dahil pumutok ung muscle sa pagbuhat kay andre the giant) haha! Sarap maging pinoy!

Saturday, August 9, 2008

Kabaklaan Virus

Ano ba ang gayumang hatid ng gay lingo at sobrang talamak ang paggamit ng mga tao dito, maging heterosexuals at siyempre lalo na sa third sex, Kahit sa school at sa kalsada, di na rin mapigilang gumamit ang iba ng salitang bakla kahit ng mga babae.
Umm.. I have nothing against swardspeak naman, minsan nga tnry kong karirin magiispluk este magsalita ng lingo na itey hey hey,( at paglilinaw lang, hindi ako bakla, at kung sino man ang magisip na bakla ako ay sasabunutan ko!! intyendes?)

Me kaibigan akong babae na taga feu na ang madaming kaibigang bakla, minsan nga naabutan ko sya sa mcdo morayta na kasama nya ang mga prenly prens nya, babatiin ko sana sya kaso, nagdalawang isip ako dahil ang dami nyang kasamang vaklush at ang iingay pa, na parang nirenta nila ang buong mcdo para magchorvahan. Kahit mga kasama nyang babae gumagamit din ng ganitong salita, na parang me mga babaeng bading. haha!
I am just wondering how almost everyone is being swept away by this trend or more apt to say that this isnt even a trend anymore..Is this a phenomenon that came to stay? A dialect that will soon be made a dictionary, a dialect that will soon be used by everybody... baka naman maging pambansang wika na itey...ehem! joke lang..chorva lang ever!

Kung nag Gay language lang sana sina GMA at Gracia, disin sanay walang scam...

GMA: "hallow gracia!”
Garci: " uy mother ever! Na chenilyn de kimberlyn ko na po yung mga chuva ek ek.”
GMA: “bonggacious! Eh yung mga chenes chenes, carry na ba?”
Garci: “flatshoes! Winnie santos mama, wiz na wori eclavou na ever! Na chorva na!”
GMA: “ang tarushki! Maldita ka talaga vruha ka! Eh di windra na naman watashi?!”
Garci: “anufi ate..."
GMA: "oshah ba, vavush!”

Nung bata pa ako sabi ng nanay ko isa lang ang bading sa showbiz, yun ata yung kapatid ni dolphy at hindi pa ko sigurado. Pero ngayon halos lahat ata ng palabas, sitcom, intertainment shows, telenobela, at kahit commercials merong mga bakla, para bang ang kabaklaan e virus na unti unting kumakalat ng hindi natin namamalayan. Meron din akong classmate nung college na ayaw umamin na me paminta sya at sinasabing lalake daw sya? talaga lang ah? Peyborit nya ang mga singers katulad ni mariah carey, britney spears, beyonce, at pag me naririnig syang kanta ng mga matataas na boses ng babae e sinasabayan nya at feel ne feel pa nya. Mahilig din sya sa mga femenine color katulad ng penk at yellow, sabi pa nya real men wears pink! pwede sana, kaso wag lang me mga bulaklak at butterflies na kasama. Sinasabi nya pang andami dami nya daw chiks, parang habang sinasabi nya yun e sa utak nya ( hayy naku mas maganda aketch ever kesa sa mga itetch noh!!) At ang higit sa lahat puro babae ang mga kasama nya at puro bading ang mga bestfriends nya, okay, sige naniniwala na kame sa kanyang hindi nga sya bakla.

Noong nakaraang buwan, birthday ng kaibigan namin at nagaya syang pumunta ng dampa para chumibog, bigla kong naitanong sa kasama ko kung bakit puro bading ang mga nagtatawag sa mga restaurant para dun kumain, sabi ng kaibigan kong babae siguro daw dahil hindi sila nahihiya at me pagkakomedyante sila, hindi sila masyadong mapapahiya kung sakaling isnabin sila ng mga tao. UU nga, which is true nga naman noh?

Naalala ko pa nung pumunta ako me ateneo dahil sinamahan ko ang isa kong kaibigan para magenrol malapit dun. Dumaan kame sa computer shop ng kaibigan namin para magdota, naabutan namin dun ang isang grupo ng mga vaklush na volleyball players ng ateneo, nung una akala mo ang aastig, anlalaki ng muscles, mas malaki pa sakin ang katawan at hindi mo mapagkakamalang mga bading. Nung nagsimula na silang maglaro, dun lumabas ang mga kabaklaan nila at nagtataray.

Gay1: I go mo na girl!
Gay2: Wait lang sis, buy lang me item.
Gay3: Girlss! Heeelp! na-gank me! huhu
Gay4: Taralets sisters! Chorvahin na yang mga yan!

Ayun sa aking asset, 60's pa lng ay in existence na ang gay words..pero how? *parang may bulong-bulungan akong naririnig ah - sabi... errr, taena puro krisis na nga ang pilipinas, pati ba naman kabaklaan eh uusisain ko..* wala lang..bet ko lang ichismaks na parang importante ang bayotspeak (gay lingo) na ganitey dahil sa latter part ng post ko..

Amo: mula ngayon, walang magsasalita ng ingles. ang sinumang magpapadugo ng ilong ko at sa mga anak ko, palalayasin sa pamamahay na ito! Klaro!?

Inday: ang mga namutawi sa iyong mga labi ay mataman ko pong iiimbak sa sulok ng aking balintataw, sa kaibuturan ng aking puso, gugunam-gunamin, aariing salik ng aba at payak kong kabatiran. Tatalikdan ang matayog at palalong banyagang wika, manapay kakalingain, bibigkasin at sakdal timyas na sasambitin ng aking sangkap ng pananalita ang aking binhing kaugnayan.

Amo: tonta! di kami sinauna! yung makabago ang gusto ko!

Inday: Ay tarush! pachenes-chenes pa tong chorva eklavuboo chuva tabayishki kun supladish! Gash! haller!… feeling ek ek…

Tuesday, June 10, 2008

Teenager

May mga kabataan na hindi makuntento, na pag hindi na nabigay ang gusto nila ay nagrerebelde. Simula sa pagpapalit ng mga unit ng cellphones at mga makabagong gadgets na gustong gusto ng mga kabataan ngayon hanggang sa kanilang pagaaral at iba pang materyal na bagay. "Human beings have no satisfaction" ika nga. Pwera na lang kung langaw siya, na kuntento na sa mga basura at mga kalat sa kalsada. Nung pumapasok pa ko ng unang taon sa kolehiyo, madami akong kilalang mga nagpapakatrying hard, na super mag-demand ng mga material na bagay na hindi katagalan ay mga holdaper din ang makikinabang. Dahil ba dun kaya dapat magrebelde? Sa bagay na hindi mo nakuha dahil hindi kayang ipagkaloob sayo ng magulang mo dahil kapos sila at hindi kaya ng budget? Sa bagay na hindi mo naman madadala sa hukay pag ika'y pumanaw ka? Nagmumuka na ulit akong politician magsalita. Boto niyo ako niyan sa darating naeleksiyon ha?! Magapapaburger ako!! Burger! Burger!

Pero meron din namang mga kabataan na hindi materyal na bagay ang pinagrerebelde nila, katulad na lamang ng kursong kukunin o kaya naman ang pagpili ng kanilang gerlpren o boypren.

Nanay: Nak, gusto kong maging sundalo ka katulad ng tatay mo na heneral na ngayon.

Anak: *dabog* haller! sundalo? ayoko sabi non!! I want to be a.. beautician! just like tita vicky!Magrerebelde ako kung hindi ka papayag! Magrerebelde ako!!

Madami ding mga kabataan ngayon ang gustong makiuso sa mga kabarkada nila, kung lahat ng kaibigan nya ay me bagong selpon, magmamaktol sya sa mga magulang nya na ibili din sya para hindi sya magmukang kawawa sa mga kaibigan nya. At kung minsan ang mga mayayabang nyang mga kabarkada ay sobra kung magbigay pansin sa mga materyal na bagay katulad ng mga mamahaling gamit.

Conyo 1: Eww friend, nagsusuot ka nyan? diba sa bangketa lang nabbenta yan? umm.. hey! look at my new outfit, maganda ba? yung pants ko 3thousand pesos yan! at yung shirt ko 1thousand pesos, anu maganda ba?

Conyo2: Of course not noh, branded to, me factory defect lang kaya mukang fake! Yea! ive seen it na nga sa mall, balak ko din bumili nyan kaso, hindi pa dumadating yung allowance ko e, bumili kase ako ng brand new nokia n1000, na worth 50k, kaya barya na lang pera ko dito sa wallet ko.. umm let me see.. 5 thousand na lang pala to. oh my god! im so broke!

Ganitong mga tao kadalasan yung mga tipong namimili ng mga kakaibiganin, halimbawa muka kang walang pera at yung outfit mo ay hindi katulad ng sa kanila, hindi ka daw pwedeng makihangout sa kanila. Katulad na din ng mga nauusong mga perfection groups sa net ngayon, na kelangan daw ay "drop dead gorgeous" ka bago ka makasali sa kanila at kailangan din daw na super vain ka at unique, na ang mga members naman nila ay puro dumaan sa adobe photoshop ang pictures at magkakamuka pa sila ng pose.

Batang Squatter: Uy! Pwede ba kitang maging kaibigan?

Batang Mayaman: Huh? alright. Just tell me your E-mail address and I will invite you on my Friendster and multiply account. Comment pleeeaaaasse… ok?

Batang Squatter: *Nosebleed habang nakanganga*

Sunday, June 8, 2008

The Havaianas Principle

SCENE ONE
Conyo boy 1: pare! Have you seen the latest design of havs sa mall?
Pare ang astig! I will beg my mom to buy that.
Conyo boy 2: really pare? Meron n? cool! Contact Mitch.. let's hang
out sa mall!
SCENE TWO
Sosy Girl 1: SHIYEEEYYTT! Girl look oh! A plain pink havs! Ang
cuuuuttteee! !! C'mon let's buy!
Sosy Girl 2: ooohhhh!!! *giggles* tara! Tara girl! Brilliant idea!

Sa di adik ng havaianas, akala mo, yung havana, na madalas nabebenta sa me morayta at sa mga bangketa eh walang pinagkaiba sa orig. Pag mahilig ka sa havaianas, pag may nakita kang havana, kahit sa unang tingin pa lang, obvious na sayo. Parati kaseng nakakatawag ng pansin sayo ang mga tsinelas.

May mga taong ginagawang status symbol ang Havaianas. Understandable kung BMW or a house in Forbes Park, yan ang status symbol. Pero the Havaianas slippers? Nah..

Okay lang siguro bumili ng havaianas. wala naman akong nakikitang masama dito. kung may mali man, ay yung OA na pagtangkilik ng ibang taga subaybay ng mamahaling tsinelas na 'to at yung tipong naghihirap na pero basta makaporma lang at maka-keep up sa barkada o crowd, ay bili pa din.. para sa mga bumili, at mga nakabili at bibili pa, tandaan natin na TSINELAS pa rin yung binili natin.


May mga taong naaasar sa mga taong OA tumangkilik ng ganitong produkto. Pero okay lang naman kase pera naman nila o pera ng magulang nila yun at hindi sa atin.


We should not dictate how people spend their money, just as long as its not stolen. A simple scenario, if one chooses to spend his/her money on food, wala tayung magagwa kase, ITS THEIR MONEY. And if they want to spend it on Havaianas, then, e wala naman atang problema dun.
Food makes a logical choice because its a basic human need, but what about those who are willing to lessen consumption costs just so they can buy Havaianas, does that make them insane?
No. Sa kanila kasi yan. If trip mo yung Bananapeel, or Spartan or Tribu o kahit yung o yung bakya noong sinaunang panahon o kung anu-ano pang mga brand ng tsinelas dyan, naririnig mo ba yung mga trip ang Havaianas na nagrereklamo sa choice ninyo? Wala.

Hindi din natin dapat ikatwiran ang ekonomiya ng bansa tungkol sa produktong ito.
Dahil ba mahal at naghihirap ang bansa, masama na ang isang bagay?

Ang alam ko lang sa produktong ito ay lagi siyang present sa mga large events sa brazil at sa pagkakatanda ko ay kasama siya sa goody bags na pinamigay dati sa oscars. considered na icon ang tsinelas na yan sa brazil. ayon sa kakilala ko at kaibigan na nakapunta na ng brazil, lahat halos ng tao sa brazil ay naka havaianas at mura lang daw, mga $ 2 isang pares. kahit nga daw sila ay naglalaro ng soccer sa kalsada yan pa din ang suot nila, parang katulad ng spartan sa atin o beachwalk. kahit sa US ay mahal din siya, $20- $25& ang isang pares, pero di siya gaanong uso. at walang pake naman ang mga tao sa america kung naka havaianas ka o hindi. o kung de tatak ang suot mo, di katulad dito sa pilipinas.

Pero napansin ko talaga na malupit ang tsinelas na ito! alam nyo kung bakit?

Habang naglalakad ako sa malapit na
tindahan ng fishball sa labas ng isang sikat na pribadong highschool, namataan
ko ang isang babae na pinagbawalan ng guard magflipflops. .
sobrang nauso kase ang flipflops ngayon sa school na yun kaya halos
lahat ng studyante naka flipflops pagpasok ng school.. eh siguro
narealize ng mga nakatataas na hindi maganda tingnan, kaya un..
pinatupad na bawal na pumasok ang hindi nakaclose shoes. Tas minsan
nagkaroon ng ganitong scenario.

Prettygirl: [dumaan sa entrance gate, naka havvy]
Manong guard: miss, bat ka natsinelas? bawal yan.
Prettygirl: hallurr??!... havaianas kaya to!!
Manong guard: ahh awkei.. cge.

Sunday, May 4, 2008

Pulubi vs Rich Kids

Alin ang mas trip mo?
Rich or poor?

Sa mga pelikula, parating magkaaway ang mga mayayaman at mahihirap.
And as usual, katulad ng madalas nyong napapanood,
parating kawawa ang mahihirap sa kamay ng mga mayayayaman, pero, kadalasan, mga mahihirap ang bida sa mga teleserye o pelikulang yun.
Mga matatapobre ang mayayaman, parating magara ang suot, at kahit nasa bahay lang akala mo aatend ng best actor and best actress award.

At pag lab story naman ng mahirap at mayaman, asahan mo na palaging tutol sa relasyon ang mga magulang ng rich kid, at ang nakasanayang twist ng pelikulang filipino, yayaman ang mahirap.

Pero, pano kaya kung baliktarin naman natin.
Ang mga mahihirap ang mayabang, matapobre at mapanlait.
At mayayaman naman ang parating inaapi.



Scene:

Naimbita ang isang mayaman sa house party ng mga pulubi malapit kung san sya nakatira.


Rich Kid: (Nakatungo habang pumapasok sa sira sirang bahay kung san nagaganap ang party)

Pulubi: Anong ginagawa ng isang amoy aircon dito sa teritoryo ko?! Alam mo bang bawal ang mga hampaslupang katulad mo dito!?

Rich Kid: Kaibigan po ako ng anak nyo, inimbita nya po ako dito. Nabalitaan din ko po kase na madami daw po kayong mga naipong pagkain galing sa basurahan, baka po sana pwede akong maki join.

Pulubi: Maki join? Haller!!Hindi ka nababagay dito! Tingnan mo ang sarili mo? bagong ligo, bagong damit, brand new cellphone, at havaianass. Ewwwww!! At ano yan? me hawak ka pang starbucks coffee? iniinom mo yan? Yuckkk! na-t-take yan ng stomach mo? You're so kadurdur talaga!

Rich Kid: Napadaan lang po kase ako dun kaya naisipan kong bumili ng mamahaling kape, pasensya na po kung sumasakit ang ilong nyo sa amoy expensive na kape ko at pati na din sa amoy sossy kong outfit.

Pulubi: You know what? I can't take the smell na nga e. So mabantot! Nakakahiya tuloy sa mga amiga kong taong grasa dito! Ayan o, pinagtitinginan ka na nila, hindi ka na nahiya.
Nagaamoy mayaman na ang crib ko! Oh my gahd! Ewwwww!!

Rich Kid: Maaaring mayaman nga kame! Pero di nyo ko dapat nilalait lait ng ganyan!
Kayo! mga pulubi nga kayo, hindi naliligo, namumulot ng basura, kumakain ng mga tira-tirang pagkain, mga amoy libag, pero it doesn't mean na pwede nyo na kong tratuhin ng ganyan!

Pulubi: GUARDSS!! (dumating ang dalawang bote-dyaryo boys) Kaladkarin ang hampaslupang yan palabas dito!

Rich Kid: Balang-araw magiging mahirap din ako! at pagdating ng araw na yun, sisiguraduhin kong luluhod din kayo sakin!

Pulubi: Che!!

Tuesday, April 15, 2008

Buhay Bata

Elementary:



Ang naalala ko lang nung elementary ako, 5pesos ang baon ko. saka me tumbler akong me lamang juice o tubig na parating maraming nakikiinom na kaklase. Yung bag ko nun, parating me lalagyan ng tumbler sa tabi o kaya me superhero na nakadrawing! (peyborit na peyborit ko nun dragonball syempre!)



Dahil sa public school ako nagelementary, usong uso yung teacher mo ang nagbebenta ng mga snacks nyo pag recess, me iikot na kaklase mong babae, at isa isang magbebenta ng mga chichirya, kornik, kendi, skyflakes, zesto at higit sa lahat homemade snack na gawa ni maam na hindi ko alam kung tinitikman ba nya bago ibenta o talagang feeling nya lang scientist sya at ang mga pagkaing binebenta nya ang ginagawa nyang eksperimento (Malas mo lang kung nasa row4 ka at ang matitirang paninda sayu e yung specialty ni maam na kadalasang me extra points ka daw kung bibili ka) na kahit ata libre nyang ipamigay sa mga bata wala pa ding kakagat.



Bulong bulungan kase nun na gawa daw sa pinaghalong chalkdust at tubig ang pulburon at yung sandwich naman ay sa recycled paper at ang palaman daw ay glue. Na kung matitikman mo nga ay malamang maniwala ka sa mga bali-balita.



Palagi ako ang naglilista ng mga noisy sa klase. kaya naman mababait sa akin ang mga classmates ko dahil kung hindi, humanda silang mapingot ng teacher namin pagbalik galing sa pakikipagchismisan sa kabilang classroom tungkol sa paborito nilang palabas sa tv at sa lablayp ni jolina magdangal.



Araw araw kameng me test sa spelling, ang parusa pag bagsak. isusulat mo sa 4 na pirasong papel ang pangalan ng teacher mo na kapangalan ng mga bida sa telenobela na dalawa palagi ang pangalan at apelyido.


At sa umaga naman, kailangan, sabay sabay kayong tatayo para batiin ang teacher nyo ng GOOOOOOOOODD MOOOOOOOOOOOOOOOOORNIIIIGGGGGG MAAAAAAMMM!!!

Wednesday, April 2, 2008

Humanap ka ng panget, at ibigin mong tunay?

Nung muli kong narinig ang kanta ni Andrew E na humanap ka ng panget eh napaisip ako..Pwede nga kaya yun? haha mukhang maganda naman ang nais nyang ipahiwatig sa kanta. Pero, ano ba talaga ang dapat piliin? op cors beauty is in the eye of the beholder ika nga..Pero, oks din naman na minsan may hitsura o kaya naman talagang maganda yung magiging labidabs mo diba? Plus factor din yun..Sabi nga, we are all still visual creatures..unang napapansin ng mata eh maganda...right or left?

Siyempre lahat naman ng tao may hitsura..eh kahit nga unggoy may hitsura..pero of cors..you know what i mean.

Madami dami din akong naging kras nung highschool, pati nung college, which i think na normal naman kahit kanino diba? Meron nga akong naging crush na prof ko nung bago pa lang ako sa college, sya ang first subject ko sa umaga kaya naman laging maganda ang simula ng araw ko. Pero ang totoo kong nagustuhan sa kanya ay ang kakayahan nyang maging interesado ka sa klase nya, di dahil cute sya, pero dahil, magaling syang gawing interesante ang boring na lesson at gawing di boring ang pinaguusapan nyo. Lahat ng estudyante nagpaparticipate. Lahat natututo. Matataas ang nakukuha kong grades sa kanya dahil madali kong naiintindihan ang mga tinuturo nya. Kung ganun lang lahat ng professor sa college, siguro, kahit sampung taon tatagal ako. haha! (wag naman sana ako abutin ng 10 taon, sumaryosep!)

Lahat naman ata ng tao madalas nagkakagusto sa magaganda, kase nga diba, umm..dahil maganda? haha! Dati mahilig din ako sa mga kyut, lalo na nung highschool, sino ba naman ang hindi diba? pero ngayon, parang it doesnt matter much to me anymore, madami din kase akong nakilalang sobrang ganda, na wala ng ibang binigyan ng pansin at inisip kundi ang kagandahan nila. at madalas silang naiinis sa mga panget, sa di malamang kadahilanan? haha. Di nila alam na magmumuka din silang nilukot na pandesal pagdating ng araw.

Pero, pag kasi long term partner na ang hanap mo eh ibang usapan na yun..the criteria changes, nun matatanong ka ng whats your ideal girlfriend. Siyempre, super bigay ka naman ng mga criteria. Ngayon, ang isasagot ko na lang eh-Why would i look for an ideal woman when i am not ideal myself?

Ngayon, sa mga babae naman, what attracts me most are girls that has a very good sense of humor at yung parating naka-smile at tumatawa, yikeeeeeeeeee! haha. pero yun namang in the sense na kapag nagccrack sya ng joke eh di naman labas ang ngala-ngala at gilagid at di kailangang paliguan ako ng laway at kailangang dumistansiya ako ng 3 meters away.

Meron kasing iba..unang pinapansin ay mukha, dating, buhok, mata, kuko, pagdadala ng damit, kotse, may alaga bang mamahaling tuta, o mahilig uminom ng kapeng starbucks etc etc..pero ano ba talaga?

But the BIG but is that..not all people, in general, has the same perception regarding this issue.

Minsan, what we find most attractive in other people is what we find most attractive in ourselves. Naniniwala din ako na yun ang pinaka-logical na explanation kaya some people end up loving those who hurt them the most. When you love yourself, you tend to have very high expectations that most people find too extreme. Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit ang ibang manliligaw ay nababasted ng mga nililigawan nilang sobrang sossy o feeling sossy, lalo na kung simpleng tao ka lang. It just goes to show that they are not willing to accept anything less than what they know they are worth.

Thursday, January 31, 2008

SINE NG PINOY

Sa sineng pinoy, kahit anong init ay dapat nakaleather jacket and bida gayundin ang kotrabida.
Na kahit anong yaman ng mga sindikato at bida, bulok na kotse ang ginagamit sa pakikipaghabulan. Sasabog ang kotse habang nakahinto. Magsisimula ang habulan sa mataong lugar, pero sa loob ng ilang segundo, nasa gitna na ng disyerto o walang taong lugar. Malapit ng matapos ang pelikula kapag ang barilan ay nagaganap na sa abandonadong building, warehouse o sa gubat.

Pag nagbabarilan, mauubos ng bida ang mga kalaban dahil isa isa lang silang lumalabas at bumabaril, kung sabay-sabay naman naiilagan nya lahat ng mga bala na parang si lastikman. Kung tamaan man sya imposibleng tamaan sya sa ulo o sa puso, parating daplis lang.
Pag nagkakatutukan naman ng baril ang bida at kontrabida sa bandang gitna ng serye at di pa patapos ang palabas, asahan mong pag babaril na sila parating wala ng bala ang baril nila.

Sa gulpihan naman, parating me eksena sa bar o sa beerhouse, me babastusin na babae o kaya naman biglang magppowertrip yung mga kontrabida.
Ganun din sa suntukan, isa isa ding lumalapit ang mga kalaban at kahit malalaki ang kalaban napapataob yun ng bida na parang superhero.

Pag ginagamot naman ng leading lady ang bida na madaming pasa, parating umaaray ito pag nahahawakan ng leading lady o ginagamot ang mga sugat, samantalang parang wala lang ang mga sapak sa kanya at sipa ng kalaban habang nasa bakbakan.

Pag medyo me halong comedy ang palabas, meron ding kantahan at sayawan sa gitna ng eksena.
yun bang lahat ng tao sa paligid biglang sasayaw at kakanta sa gitna ng kalsada, at kahit sobrang panget ng bida, lahat ng leading lady nila magaganda.

At syempre, dapat may dialogue ang bida at kontrabida habang naglalaban. Kapag sinabi ng bida sa leading lady nya na wag aalis kapag iniwan sya sa isang sulok, asahan mo na aalis ito at magiging hostage sa dulo. Pero syempre, maliligtas pa rin.

Sya nga pala, habang kinakaladkad ng kontrabida ang matigas na ulong leading lady, ay magtatapon ito ng linyang " bitawan mo 'ko, hayop ka! Bitawan mo ko." Nakakatawag pansin din ang mga paguusap ng mga kontrabida lalo na't kapag miyembro ng sindikato ng drugs. Kadalasang ganito ang maririnig: " Mga bata, nakatimbre na tayo sa itaas. Babagsak mamayaang mga epektos." Kahit sila-sila lang ang naguusap o nagkakarinigan, hindi nila matawag na shabu ang shabu, cocaine ang cocaine o droga ang droga. Baka kasi marinig sila ng manonood at magsuplong pa ang mga ito sa awtoridad. Tapos, sasagot yung isang tauhan na "Ayos boss. Siguradong mamumula na naman ang hasang ng mga bata." At dapat sa dulo, ang bida at kontrabida ang maghaharap. Sa kamay ng bida matatapos angkabuktutan ng kontrabida. At pag tapos na ang lahat saka dadating ang mga pulis, at alam na alam nila kung sino ang dadamputin na para bang me tag ang mga kontrabida. hahaha! enjoy watching.


-Peksman by Eros Atalia

Sunday, January 27, 2008

SARILI KONG LIBRO

May sarili po akong kwentong ginawa, INTERESTING!

Si mang teban, 80yrs old na isang albularyo me dalawang apo si julio at si pulikarpio. inutusan nyang pumunta ng city para sumali sa starstrak. si julio naging presidente ng pilipinas (yun ung twist) si pulikarpyo bigla na lang nawala pagkatapos kumain ng choco mucho.

THE END.

kung sa tingin nyo po ay napakaganda at nakakaiyak ang aking kwento, pwede nyo po akong isponsoran sa kahit na anong paraan, pwede din po kayong magreply sakin kahit ano...koment sudgestion donation..atbp..tulungan nyo po akong suportahan ang malikhaing isip ng mga pilipino...maraming salamat po!

BUHAY KOLEHIYO

Sa lahat ng incoming freshmen college at kahit yung mga college na,ang tip ko lang... just be yourself. Don't pretend and don't be flaunting.
Now sa pag-aaral. Don't study hard.STUDY WELL.I learned this from my Humanities professor na kamuka ng crush ko sa friendster. hahaha! eto, Studying hard will only give you stress and will get you nowhere as for studying well, you get to prepare for your exams way ahead without having to cram. Have a plan,a strategy, do whatever works best to make your learning experience both fun and effective.Pag nagrereview, alamin lahat ng kailangang alamin. Sa experience ko,lalo na last term, kailangan alam mo lahat lahat about the coverage ng exams, yung tipong kahit balibaliktarin mo yung tanong, kaya mong sagutin para magexcel sa class. Kung ok na pasado na, pwede na rin yung normal na pagrereview.Ok lang magcut ng class if and only if you do this because you have more pressing matters to attend to. Sayang kasi ang tuition lalo na kung sa amin. Read. Read. and more reading. If you think, wala ka mapapala sa prof mo dahil napakawalang kwenta, there are books, journals and other publications. Iyon na lang ang maaasahan mo. and don't buy books unless they are really required and if you think you'll be able to maximize its use, mind you, they're expensive. if you can get access to a much cheaper alternative grab it.pumasok sa first day of class! Haha, sa ibang schools kasi importante yun, pero nasanay ako na hindi pumapasok ng first week ng class, pero nung natry ko na pumasok ng 1st day, masaya pala. lalo na kung freshmen ka pa lang. hihi. Mauunahan mong kaibiganin at tabihan ang mga cute sa klase.haha!dun mo rin makukuha ang mga syllabus. and take a good look at it. its helpful.join organizations. and choose one na magiging active ka and involved.Makakatulong ito to spend your time, help build character and gain friends in the process. and besides, the benefits are very rewarding.if your school allows you to choose and plan your own shcedule, just make sure na everyday may subject, walang mahabang break at half day lang lahat kasi, based on experience, tatamarin ka. like if ang class mo lang ay TTH, mawawalan ka ng ganang pumasok. kung mahabang break,mapipilitan kang huwag pumasok sa next subject kasi inaantok ka na o kaya mabababad ka sa kalalaro ng dota. huwag rin whole day kasi nakakastress lalo na kung araw araw whole day.shit! Sige yun muna. Kung walang uniform sa school niyo like us, huwag masyado maporma, halatang frosh. LOL

BUHAY KOLEHIYO PART II

Eto pa simpleng piece of advice, "wag tatanga-tanga. " hahaha!

Maging maingat lang sa mga magiging kaibigan.

At isipin mo lang kung pano mo i-bbudget ang oras para iwas pressure.
Seriously, maliban sa mga terror na professors, wala ka ng dapat katakutan. Masarap ang buhay kolehiyo, parang high school din. Pero sa pagkakataong 'to kailangang mas maging focused ka at seryoso dahil ang pag-aaralan mo dito ang siyang magiging gabay mo sa totoong mundo sa labas ng pamantasan o unibersidad mo pagkatapos mong magkolehiyo. Ang dapat mong katakutan eh kung saang talahiban ka pupulutin pagkatapos mo ng college. Pero kung ginawa mo naman talaga ang lahat ng kaya mo, wala kang dapat ikatakot...sabi nga nila, "It's all in the mind". Iyang takot na yan, nasa isip mo lang yan. Di ka pa kase sanay. Kailangang pansumandali mong iwan ang 'comfort zone' mo para masanay ka sa buhay kolehiyo. Tandaan mo na ikaw ang gagawa ng kinabukasan mo. Magiging tambay ka ba na walang alam kundi ang magbutas ng upuan? Magiging unwed mother ka ba o mambubuntis ka na lang ba ng sandosenang babae (o higit pa)? Magiging palamunin ka na lang ba nila itay at inay hanggang sa tumanda ka?Ikaw ang pipili ng kinabukasan mo kaya dapat, galingan mo ang pagpili...simulan mo dyan sa kursong pipiliin mo. Makipagkaibigan ka sa iba't ibang uri ng tao sa campus nyo: mga tambay sa cafeteria, mga laging tambay sa internet room, o sa library, sa mga dean's lister, pwede na din mga dota boys.haha, wag ka lang papaimpulwensya sa pagkahayok nila sa dota.hahaha!pati na din sa mga passive ang reaction sa discussion ng mga professors, atbp. Bakit ba kailangang takutin ang sarili sa mga bagay na di naman dapat katakutan? Ang mga bagay na sinasabi mo ay di dapat katakutan... dapat silang paghandaan. Pagbabago yan sa buhay mo na may magandang maidudulot.. .nasa iyo na yan kung paano mo pagyayamanin ang buhay kolehiyo mo. Ikaw ang pipili ng landas na tatahakin mo. Wala kang dapat katakutan dahil ang papasukin mo ay buhay kolehiyo, hindi haunted house. Pag tumagal, masasanay ka rin dyan. Maraming adjustments na dapat gawin pero para din yun sa ikabubuti mo.


"Worry is a dark room where negatives are made."

PINOY DRAMA

Hahah eto napansin ko sa mga pinoy drama...
umpisa pa lang ng palabas alam mo na kung sino ang kontrabida..una sa lahat, dahil it's either yun lagi ang role nya sa mga past films na ginawa nya o dahil mukha pa lang masungit na at mukang bossy...
Palagi ding may scene, na nakangiting aso yung kontrabida.. .may yakap scene kunwari ng bida at kontrabida tapos iko close up yung mukha nung kontrabida na parang sinapian ng demonyo sa pagkakangiti, sabay pasok ng background music na panghorror..parang ganun, tapos laging may salisi scene..meaning yung leading actor at actress na buong seryeng naghahanapan, laging nagkakasalisihan, para bang hindi sila pwedeng magkita agad kase hindi daw di maeexcite ang mga manonood.hahaha.pag yung mahirap na bida yumaman, nagbabago ng hairstyle..from tuwid tokulot..from kulot to tuwid, tapos magaganda na at palaging nakaayos ang damit kahit nasa bahay lang, at parati na din silang nagiinglish pag nagsasalita, di tulad nung mahirap pa sila.

Yung kontrabida, yung main ha, palaging mayaman, kadalasan din, killer o naghhire ng killer, palagi syang me mga galamay at mga tauhan na binabayaran nya ng nakasobreng pera para gumawa ng trabaho para sa kanya, at asahan mong parating me tip yung mismong killer! (sinobrahan ko na yan dahil malinis ang pagkakatrabaho mo) haha!
tapos pag may pasalubong yung bida...laging pansit..hahahah

Sa bida naman, ang kadalasang role nya ay anak ng mayaman, na napunta sa pamilya ng mahirap na biglang magkakaron ng kaugnayan sa totoong magulang nya, at malalaman nila sa huli na anak pala nila ang nasabing bida.
parati ding mahirap ang bida, na kadalasang nilalait lait ng mga mayayaman na kontrabida.

At pagdating naman sa maaksyon na parte ng storya, kahit ilang beses isalvage, pasabugin, ang mga bida at kontrabida, nabubuhay pa din. lalo na ang kontrabida.
PS: mas enjoy manood ng mga koreanobela!LOL

TOP UNIVERSITIES

Napakalaking factor din kung ikaw ay nang galing sa sinasabing top universities. UP, Ateneo, La Salle,UST, etc..meron pa ring mga company na hinahanap ay graduate sa top universities. tama yung para sa mga baguhan, wag muna asahan na makuha ng malalaking kumpanya. pag nakuha, magaling. pagbutihin. pero kung hindi man, wag muna mag suicide. tama lang na magtrabaho sa di masyadong kilalang kumpanya. basta't siguradhuhin lang na pag bubutihin ang trabaho. eventually naman, pag nakakuha ka na ng mas maraming experience, pwede ka na rin mag apply sa mas kilalang company. tiisan lang. totoo yung sinasabi ng matatanda na mag uumpisa ka sa ibaba. tiis lang ng onte..meron kaseng iba na pag inutusan sila ng marami ng boss nila.. galit kaagad.. o nakasimangot, anjan na yung sinusumpa ang bossing nila. nakakagalit tlga, (lalo na kung pinagtimpla ka ng kape) isipin mo na lang, na sa lahat ng utos sa iyo, may matututunan ka. kahit na di mo na trabaho yung pinapagawa.. sige lang. ikaw rin ang panalo sa huli. dahil may natutunan ka.

Interviewer: communication arts grad ka, pero sa IT company ka nag work?
Aplikante: opo sir. nag work po ako as Tech writer then naging change management analyst. Interviewer: ahh..
Aplikante: dalawang systems integration rin po na project ang natapos ko sa previous company namin.
Interviewer: ahh..
Aplikante: naging part din po ako ng apps team, tech team, implem team at yun nga pong CM team...
Interviewer: ahh.. (nose bleed)

ang laking advantage kung mas marami kang alam bukod sa apat na taon na kursong inaral mo kahit na galing ka pa sa Dacuycoy College of Fishball Making. Siguro nga may edge na yung mga galing sa kilalang unibersidad, lalo na kung magaling pa sa trabaho. Pero kahit san ka pa mang galing na school, hanga't may pangarap kang umasenso, walang makakapigil sayo.


Di mo din maiiwasan na may advantage sa mga job applications ang mga graduate sa mga kilalalang unibersidad kasi na rin sa quality ng curriculum na ino-offer nito. (CHED approved o recognized.. ISO 9000.. at kung ano-ano pa). Marami din silang ginagawang exposure sa mga student nila para makapag-uwi ng recognition sa school para lalo itong sumikat. Pero nasa tao pa rin yun..nasa diskarte mo. kung gusto mo talagang makapasok sa isang kumpanya, alamin mo kung ano ang mga job qualifications at pilitin mo ma-acquire yun. Lakasan lang ng loob ang pag aapply.Walang masama kung lahat na ng kumpanya eh sinubukan mong mag apply.Kung kulang pa yung qualifications mo sa "dream job" mo. Wag ka munang maging maselan. Kung baga.. kuha ka muna ng pondo at pantawid sa "dream job" mo.Wag kang resign ng resign.. ang pangit din tingan sa resume' mo na di ka tumatagal ng isang linggo o buwan sa trabaho mo.Kuha ka ng job experiences, wag kang naka-kahon. .. umattend ng mga seminars, workshops,further studies o self-studyNasa determinasyon mo yan at paniniwala sa sarili na kaya mo at deserve mong makuha yung "dream job" mo.