Sunday, January 27, 2008

BUHAY KOLEHIYO PART II

Eto pa simpleng piece of advice, "wag tatanga-tanga. " hahaha!

Maging maingat lang sa mga magiging kaibigan.

At isipin mo lang kung pano mo i-bbudget ang oras para iwas pressure.
Seriously, maliban sa mga terror na professors, wala ka ng dapat katakutan. Masarap ang buhay kolehiyo, parang high school din. Pero sa pagkakataong 'to kailangang mas maging focused ka at seryoso dahil ang pag-aaralan mo dito ang siyang magiging gabay mo sa totoong mundo sa labas ng pamantasan o unibersidad mo pagkatapos mong magkolehiyo. Ang dapat mong katakutan eh kung saang talahiban ka pupulutin pagkatapos mo ng college. Pero kung ginawa mo naman talaga ang lahat ng kaya mo, wala kang dapat ikatakot...sabi nga nila, "It's all in the mind". Iyang takot na yan, nasa isip mo lang yan. Di ka pa kase sanay. Kailangang pansumandali mong iwan ang 'comfort zone' mo para masanay ka sa buhay kolehiyo. Tandaan mo na ikaw ang gagawa ng kinabukasan mo. Magiging tambay ka ba na walang alam kundi ang magbutas ng upuan? Magiging unwed mother ka ba o mambubuntis ka na lang ba ng sandosenang babae (o higit pa)? Magiging palamunin ka na lang ba nila itay at inay hanggang sa tumanda ka?Ikaw ang pipili ng kinabukasan mo kaya dapat, galingan mo ang pagpili...simulan mo dyan sa kursong pipiliin mo. Makipagkaibigan ka sa iba't ibang uri ng tao sa campus nyo: mga tambay sa cafeteria, mga laging tambay sa internet room, o sa library, sa mga dean's lister, pwede na din mga dota boys.haha, wag ka lang papaimpulwensya sa pagkahayok nila sa dota.hahaha!pati na din sa mga passive ang reaction sa discussion ng mga professors, atbp. Bakit ba kailangang takutin ang sarili sa mga bagay na di naman dapat katakutan? Ang mga bagay na sinasabi mo ay di dapat katakutan... dapat silang paghandaan. Pagbabago yan sa buhay mo na may magandang maidudulot.. .nasa iyo na yan kung paano mo pagyayamanin ang buhay kolehiyo mo. Ikaw ang pipili ng landas na tatahakin mo. Wala kang dapat katakutan dahil ang papasukin mo ay buhay kolehiyo, hindi haunted house. Pag tumagal, masasanay ka rin dyan. Maraming adjustments na dapat gawin pero para din yun sa ikabubuti mo.


"Worry is a dark room where negatives are made."

No comments: