Sa sineng pinoy, kahit anong init ay dapat nakaleather jacket and bida gayundin ang kotrabida.
Na kahit anong yaman ng mga sindikato at bida, bulok na kotse ang ginagamit sa pakikipaghabulan. Sasabog ang kotse habang nakahinto. Magsisimula ang habulan sa mataong lugar, pero sa loob ng ilang segundo, nasa gitna na ng disyerto o walang taong lugar. Malapit ng matapos ang pelikula kapag ang barilan ay nagaganap na sa abandonadong building, warehouse o sa gubat.
Pag nagbabarilan, mauubos ng bida ang mga kalaban dahil isa isa lang silang lumalabas at bumabaril, kung sabay-sabay naman naiilagan nya lahat ng mga bala na parang si lastikman. Kung tamaan man sya imposibleng tamaan sya sa ulo o sa puso, parating daplis lang.
Pag nagkakatutukan naman ng baril ang bida at kontrabida sa bandang gitna ng serye at di pa patapos ang palabas, asahan mong pag babaril na sila parating wala ng bala ang baril nila.
Sa gulpihan naman, parating me eksena sa bar o sa beerhouse, me babastusin na babae o kaya naman biglang magppowertrip yung mga kontrabida.
Ganun din sa suntukan, isa isa ding lumalapit ang mga kalaban at kahit malalaki ang kalaban napapataob yun ng bida na parang superhero.
Pag ginagamot naman ng leading lady ang bida na madaming pasa, parating umaaray ito pag nahahawakan ng leading lady o ginagamot ang mga sugat, samantalang parang wala lang ang mga sapak sa kanya at sipa ng kalaban habang nasa bakbakan.
Pag medyo me halong comedy ang palabas, meron ding kantahan at sayawan sa gitna ng eksena.
yun bang lahat ng tao sa paligid biglang sasayaw at kakanta sa gitna ng kalsada, at kahit sobrang panget ng bida, lahat ng leading lady nila magaganda.
At syempre, dapat may dialogue ang bida at kontrabida habang naglalaban. Kapag sinabi ng bida sa leading lady nya na wag aalis kapag iniwan sya sa isang sulok, asahan mo na aalis ito at magiging hostage sa dulo. Pero syempre, maliligtas pa rin.
Sya nga pala, habang kinakaladkad ng kontrabida ang matigas na ulong leading lady, ay magtatapon ito ng linyang " bitawan mo 'ko, hayop ka! Bitawan mo ko." Nakakatawag pansin din ang mga paguusap ng mga kontrabida lalo na't kapag miyembro ng sindikato ng drugs. Kadalasang ganito ang maririnig: " Mga bata, nakatimbre na tayo sa itaas. Babagsak mamayaang mga epektos." Kahit sila-sila lang ang naguusap o nagkakarinigan, hindi nila matawag na shabu ang shabu, cocaine ang cocaine o droga ang droga. Baka kasi marinig sila ng manonood at magsuplong pa ang mga ito sa awtoridad. Tapos, sasagot yung isang tauhan na "Ayos boss. Siguradong mamumula na naman ang hasang ng mga bata." At dapat sa dulo, ang bida at kontrabida ang maghaharap. Sa kamay ng bida matatapos angkabuktutan ng kontrabida. At pag tapos na ang lahat saka dadating ang mga pulis, at alam na alam nila kung sino ang dadamputin na para bang me tag ang mga kontrabida. hahaha! enjoy watching.
-Peksman by Eros Atalia
Thursday, January 31, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment