Sunday, May 4, 2008

Pulubi vs Rich Kids

Alin ang mas trip mo?
Rich or poor?

Sa mga pelikula, parating magkaaway ang mga mayayaman at mahihirap.
And as usual, katulad ng madalas nyong napapanood,
parating kawawa ang mahihirap sa kamay ng mga mayayayaman, pero, kadalasan, mga mahihirap ang bida sa mga teleserye o pelikulang yun.
Mga matatapobre ang mayayaman, parating magara ang suot, at kahit nasa bahay lang akala mo aatend ng best actor and best actress award.

At pag lab story naman ng mahirap at mayaman, asahan mo na palaging tutol sa relasyon ang mga magulang ng rich kid, at ang nakasanayang twist ng pelikulang filipino, yayaman ang mahirap.

Pero, pano kaya kung baliktarin naman natin.
Ang mga mahihirap ang mayabang, matapobre at mapanlait.
At mayayaman naman ang parating inaapi.



Scene:

Naimbita ang isang mayaman sa house party ng mga pulubi malapit kung san sya nakatira.


Rich Kid: (Nakatungo habang pumapasok sa sira sirang bahay kung san nagaganap ang party)

Pulubi: Anong ginagawa ng isang amoy aircon dito sa teritoryo ko?! Alam mo bang bawal ang mga hampaslupang katulad mo dito!?

Rich Kid: Kaibigan po ako ng anak nyo, inimbita nya po ako dito. Nabalitaan din ko po kase na madami daw po kayong mga naipong pagkain galing sa basurahan, baka po sana pwede akong maki join.

Pulubi: Maki join? Haller!!Hindi ka nababagay dito! Tingnan mo ang sarili mo? bagong ligo, bagong damit, brand new cellphone, at havaianass. Ewwwww!! At ano yan? me hawak ka pang starbucks coffee? iniinom mo yan? Yuckkk! na-t-take yan ng stomach mo? You're so kadurdur talaga!

Rich Kid: Napadaan lang po kase ako dun kaya naisipan kong bumili ng mamahaling kape, pasensya na po kung sumasakit ang ilong nyo sa amoy expensive na kape ko at pati na din sa amoy sossy kong outfit.

Pulubi: You know what? I can't take the smell na nga e. So mabantot! Nakakahiya tuloy sa mga amiga kong taong grasa dito! Ayan o, pinagtitinginan ka na nila, hindi ka na nahiya.
Nagaamoy mayaman na ang crib ko! Oh my gahd! Ewwwww!!

Rich Kid: Maaaring mayaman nga kame! Pero di nyo ko dapat nilalait lait ng ganyan!
Kayo! mga pulubi nga kayo, hindi naliligo, namumulot ng basura, kumakain ng mga tira-tirang pagkain, mga amoy libag, pero it doesn't mean na pwede nyo na kong tratuhin ng ganyan!

Pulubi: GUARDSS!! (dumating ang dalawang bote-dyaryo boys) Kaladkarin ang hampaslupang yan palabas dito!

Rich Kid: Balang-araw magiging mahirap din ako! at pagdating ng araw na yun, sisiguraduhin kong luluhod din kayo sakin!

Pulubi: Che!!

No comments: