Thursday, September 4, 2008

Istrit Puds

Itong isshare ko sa inyo ay siguradong hindi nyo kapupulutan ng aral kaya magbasa mabuti.
Pag kumakain ako ng fishball, (kahit madami kang binili kay manong magpi-pisbol eh talagang hindi mo lalagyan ng “s” ang salitang yon; lagi siyang nasa singular form – pishbol hindi pishbolsssss-PISHBOL lang talaga…”limang pishbol nga!”), dahil hindi ko to masyadong peyborit, hinihintay ko muna na maging malutong muna ang pishbol bago ko kainin. Ayoko ng hindi malutong e. Well, kahit naman sa lahat siguro ng prito e masarap yung malutong lagi. At shempre, ang tatlong sawsawan na laging present – matamis, maanghang (with diced onions, sili na green at red, at red or white vinegar) at shempre, ang tamis-anghang (matamis na may sili). Ganito ang teknik ko: Pag naprito na ng maganda yung pishbol eh magiging concave siya at mistulang maliit na plato. Pag nagiging concave siya eh gagamitin ko ang pagka-concave nya para maging pansalok ng sawsawan. Masarap gamitin sa maanghang na sawsawan dahil aside sa suka, makakasalok ka ng diced sibuyas at sili na talaga namang susulit sa bili mo ng pishbol. Nakasawsaw ka na, nakasalok ka pa ng sibuyas – lamang ka kapatid! Sabay sasabayan mo ng malamig na sago..Nakow! Sarap nun! Siyempre ang lahat ng ito, eh walang kamuwang muwang ang magulang ko na ginagawa ko itong mga ito. Para sa mga magulang ko, walang pinagkaiba ang yosi at alak sa “streetfoods” (Paliwanag lang, dati yun nung bata ako, alagang alaga pa ko ng nanay ko, ayaw nyang kumakain ako ng mga istritpuds kase daw baka daw marumi? Sus! lahat naman yun ididiposito ko din sa trono pagkatapos at mababaon sa kailaliman ng inidoro . Dati tinawanan ako ng katabi ko nung kinwento ko sa kanya yun. Sabi nya, “Tangina hanggang ngayon pinagbabawalan ka pang magstreetfood ng magulang mo? Puta gurang ka na a!” Sabi ko sa kanya, "pake mo ba?" at minura ko sya sa pinakapraktis praktis kong mura nung mga panahong yun.. "fak yew!!”) Pero ngayong wala na kameng pera, nakikiabang na din sila sa mga manong pishbol at nakikituhog na din sina nanay at ate kasama ko, o diba mas kool!?

Isaw – walastik ka! Walang kupas ang sarap mo! Mapa baboy man o manok, eto ang klasik streetfood na nagpapabaliw sakin. Sawsaw mo pa sa sukang pinagsawsawan na ng lahat ng construction worker sa tabing building, ayos na. Ang malupit pa dun sa pinagkainan kong isaw dati (Morayta’s Isawan), eh si Mang Castor, puta tutulo pa yung pawis nya sa isawan nya tapos tutulo sa mga isaw nya at magsi-sizzle yung mga niluluto nya. Eh puta walang paki lahat ng suki nila e..pinatos pa din e. E pano, masarap naman talaga. Hindi ko alam kung totoo sa lahat to o kung nagkakataon lang sa mga kinakainan ko, pero lahat ng mga nagluluto ng isaw na kinainan ko e nakabukas ang bibig at semi hiwa-hiwalay ang ngipin, parang yung bakulaw na isda sa finding nemo.


Dugo (Betamax).
Para sakin, ito ang piiiiinakamalinamnam sa lahat. puwedeng i-ulam sa kanin. puwedeng isawsaw sa catsup (taenang spelling ‘yan). nung nadaanan ko ‘yung pinapaypayang istrit food ni amparo, dugo kaagad ‘yung tinesting ko. tatlong klase ng suka rin ang meron sila--- maanghang, mas maanghang, at matamis. nung araw e piso lang ang isang stick (apat na piraso). tapos patatagalin ko talaga ang pagkain nun para mas enjoy. 1/3 lang bawat piraso ang babawasan ko sa bawat kagat, tapos sawsaw sa suka every now and then. parang paligsahan ‘yun eh. kung sino ang pinakamatagal umubos ng kinakain niya siya ang cool. ang teknik para mas humalo ‘yung suka sa dugo: pagsawsaw mo ng isang stik, iikot-ikot mo nang mabilis para gumalaw-galaw ‘yung particles ng suka at makapenetrate sa dugo. tapos kainin mo nang patingala para hindi sayang ‘yung suka. tapos ‘yung pagnguya mo e parang ‘yung sa bubblegum para dumikit-dikit sa ngipin mo ‘yung dugo (sarap kaskasin). hindi ko na talaga pinapansin ‘yung isaw kahit ‘yun pa ang sikat para sa mga kalaro ko. saka mas mahal ‘yun eh. saka ‘yung adidas na ‘yan, hello?! may mas sasarap pa ba sa dugo? tanginang ‘yan.

Pisbol.
Hindi ko talaga peyborit ‘to kahit gano pa ‘to kamura pero dahil sa wala akong pera non pineyborit ko na din, lalo na nung nagtitipid ako para me pambili ako ng mga teks (mga maliliit na karton na me drawing ng dragonball at ghostfighter) unang tikim ko pa lang nun lasang mumurahin talaga, lalo na nung ang pishbol pa sa tapat ng iskul namin e yung home-made pishbol na gawa ni manong, na gawa sa harina at konteng pampalasa para magmistulang pishbol nga. pero nagtataka ako, halos lahat ng tao kasi e ‘yan ang binibili. pero bakit ganun? tusok nalang sila nang tusok tapos hindi naman nagpapaalam kay manong? hindi ba nagagalit si manong? mejo minsan lang dumaan pishbol samin eh kaya pag dumaan sa bahay yun buong street namin bibili. ang saya kasi talagang lalabas lahat. yung mga nanay, tatay at mga anak nasa labas at makikitusok sa pishbol. pag bibili ako nun palaging dalawang piso lang kaya ko. pwede na ko sa 4 n piraso, wala nang pera eh. grade 3 ata ako nun, bsta bata pa ko. tapos nakikita ko yung iba kong kalaro limang piso talga ung binibili tapos si manong p tlaga magtutusok nun. parang pag limang piso kasi binili mo tlagang aasikasuhin ka ni manong. tumitingin n lng ako sa binili nila, halos mapuno ung stick sa dami ng pishbol pag limang piso tapos parang ang linis p tignan. ewan ko bsta ang ganda tignan ng limang pisong pishbol para sa sakin. pero parang hindi ata ako nabilan ng limang piso ng nanay ko. at shempre gusto ko rin ung malutong na pagkaluto. gusto ko din ako tutusok ng akin para binata na ang dating ko at kaya kong tumusok mag-isa.

Scrambol – hmmmm…raspa..este..rap-sa! Yung nagtitinda ng sago samin, asawa naman niya ang nagtitinda ng skrambol. Sarap, sarap – powdered milk, brown cow (Oh, the memories!!), pulang ice (red eyes) o yelong red..waw!!
siguro kung may botohan ng ‘most resourceful’ vendor e ‘yung mga nagtitinda ng iskrambol ang mananalo. timbang pampaligo ba naman ang gawin mong lalagyan e. tapos egg beater na isinabit ang gagawin mong panghalo. bakit nga ba pink ang kulay ng iskrambol? san ba kasi galing ‘yun? tuwing recess talaga eh lumalabas ako ng school premises para lang makabile ng iskrambol, mabilis kasing maubos eh. tapos parating kulay pink ‘yung timbang ginagamit ni manong (coincidence?).nagtataka talga ako dati nung bata ako bat ganun kasarap gatas ni manong. sinusubukan kong gayahin sa bahay un eh pero mas masarap talga ung kay manong. shempre nabibili ko lng din nun dalawang piso ndi limang piso. yung maliit na baso lng na may kulay(green o kaya red). tapos iniisip ko rin dati bat scramble tawag dun, eh dati lam ko lng na scramble eh itlog. may kanya-kanyang style p ung mga nagtitinda ng iskrambol pagdating sa paglalagay ng gatas. ang klasik na style eh ung lagay ng iskrambol tapos lagay sa ibabaw ng gatas at brangkaw. ung iba maglalagay muna sila ng kalahating iskrambol sa baso tapos lagay ng gatas tapos patong uli ng iskrambol tapos brangkaw. ang galing db nasa gitna ung gatas. bat kaya nila naisip ung ganun? ewan ko bsta parehas masarap. ang pinakamasarap na parte eh ung unang subo. ndi ka muna gagamit ng kutsara kakainin mo muna ung ibabaw na may gatas at brangkaw. hay grabe ang sarap nun!

Mangga.
Ito na siguro ‘yung pinaka-pinapayagan akong kainin ng mga magulang ko. Nasa labas din ng school premises si manong na nagtitinda nito. Pinakamarami kong nakain nito nung grade 5 ako. tuwing lunch, lumalabas talaga ako ng iskul para lang makabile kay manong. may tig 2-piso, tig-5, tig-8, at tig-10. syempre binibili ko na ‘yung pinakamahal. Sabay matamis na bagoong (masarap talaga ang pagkakatimpla niya) na i-f-fill ‘yung concave part ng mangga. Tapos bubudburan ng konting asin (rocksalt). syet! tanginang ‘yan oh! halos lampas 10 taon na ang lumipas at nagawi nanaman ako sa lugar na binibilhan ko dati and guess what, nandun pa rin si manong! nakaputing sando at nagbabalat ng mga mangga niya! siya na yata ang pinakamalinis na vendor na nakita ko. parating parang bagong ligo. Kumpare sya ng tatay ko kaya pag bumibili ako sa kanya laging me ekstrang asin o bagoong, kaya naman suking suki nya ako, lagi din akong me libreng kwentong barbero sa kanya pag bumibili ako, at araw araw nya din kinakamusta si tatay na para bang me nakaraan silang dalawa at hindi pa din sya makaget ober. sasabihin ko
sana, ‘manong diba 1998 pa kayo nagtitinda ng mangga dito? kumusta na ho?’kaso baka kwentuhan na naman nya ko tungkol sa mga manananggal at mga dwende sa dating school ko kaya hindi ko nalang kinumusta, pero okay na din kase me mga bagong suki na sya at mga batang binobola na kinukwentuhan.


Sorbetes(Dirty Icecream)
para maiba, sorbetes naman. panalo din yan. may basehan ako jan sa mga sorbetes na yan eh. pag nakita kong maraming tore sa takip ng sorbetes nya, panalo yun kasi ibig sabihin nun maraming flavor. parang katumbas ng isang tore, isang flavor ng ice cream nya. kadalasan tatlong tore eh. pag dalawa lng nakikita kong tore mejo hindi ako ginaganahan bumili. parang "ay, mahina si manong konti flavor mejo lugi ako". pero pag apat ang tore nya, ay sus bibili tlaga ko sa kanya at feeling ko lugi pa si manong sa bayad ko dahil marami syang flavor. pero nung tumanda ako nalaman ko din na kadalasan kahit tatlong tore dalawa lng naman flavor sa loob nun. ambobo ko tlaga. dun ko din natuklasan ang matamis na apa. ang sarap nun eh, kahit papakin ko un panalo p rin eh khit walang ice cream. kaya mas gusto ko ung dalawang pisong ice cream eh kasi sureball matamis na apa un. pag limang piso normal na apa o kaya nasa cup. lugi eh mkakain mo b ung cup tapos ang mahal. at eto pla haha! wag mo raw kakainin ung dulo ng apa itapon mo daw yun kasi ginagamit daw na pangulangot ng mamang sorbetero yun. At eto pa! nung hayskul ako, me dalawang sorbetero sa iskul namin, si mang bonbon at si mang efren, nagsisiraan sila pareho sa mga icecream nila, sabi ni mang bonbon: may buhok daw sa kilikili ang mga icecream ni mang efren dahil lagi itong nakasando lang pag nagtitinda, at lumalabas ang mga buhok nya sa kili-kili pag nagiiskoop sya ng icecream, sabi naman ni mang efren: me kulangot daw ang icecream ni mang bonbon dahil mabuhok ang ilong nito at laging sinisipon", ayun parehas nilangaw ang mga sorbetes nilang paninda. Haha ang barbero na ang baboy pa ampucha!(parang yung kwento na namatay si ultimate warrior dahil pumutok ung muscle sa pagbuhat kay andre the giant) haha! Sarap maging pinoy!

No comments: